Tuesday, April 25, 2017
Home > Metro News > 2 Aftershocks, naitala matapos ang lindol sa General Nakar, Quezon

2 Aftershocks, naitala matapos ang lindol sa General Nakar, Quezon


Dalawang magkasunod na aftershock ang naitala matapos ang Magnitude 5.0 na lindol na tumama sa General Nakar sa Quezon Kahapon.

Sa abiso ng PHIVOLCS, unang naitala ang aftershock na Magnitude 2.6 na nasundan ng Magnitude 2.1.

Ilang ulit ding nagpalabas ng impormasyon ang PHIVOLCs kaugnay sa dami ng mga lugar na nakaramdam ng pagyanig kung saan kabilang na ang Metro Manila.

Kahapon sa unang abiso ng PHIVOLCS ay nakapagtala sila ng Magnitude 4.4 na lindol ngunit ilang minuto lamang ay tinaas ito sa Magnitude 5.0.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *