Thursday, April 27, 2017
Home > International News > 19 na katao, patay sa sunog sa bahay-ampunan sa Guatemala

19 na katao, patay sa sunog sa bahay-ampunan sa Guatemala


Patay ang labinsiyam na katao na karamihan ay mga menor-de-edad matapos na masunog ang isang bahay-ampunan sa Guatemala.

Tinupok ng apoy ang Virgen De Asuncion sa San Jose, na may layong 25 kilometro Kanlurang bahagi ng Guatemala City.

Mahigit dalawampu’t apat na katao naman ang ginagamot pa dahil sa tinamong mga sugat sa insidente.

Kalimitang tirahan ng mga batang nagiging biktima ng karahasan ang nasunog na bahay-ampunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *