183 sasakyan sa ‘rent-sangla’ scam, naibalik na ng DOJ sa mga may-ari – DZAR 1026
DZAR 1026 (Ka-Partner mo sa Balita at Serbisyo!)

183 sasakyan sa ‘rent-sangla’ scam, naibalik na ng DOJ sa mga may-ari


Nai-turn over na ng Department of Justice (DOJ) ang nasa sandaan at walumpu’t tatlong sasakyang nabiktima ng ‘rent-sangla’ scam sa mga may-ari ng mga ito.

Nanatili naman sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sandaan at labimpito pang sasakyan.

Ayon kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II, inihahanda na ng NBI ang kasong large scale estafa sa mga nasa likod ng modus.

Nauna nang kinilala ang mga suspek na sina Rafael Anunciacion, Eleanor Rosales, Tychius Nambio, Jhennelyn Berroya, Anastacia Cauyan, Eliseo Cortez, Marilou Cruz at Sabina Torrea.

Sa Marso 20 magsisimula ang preliminary investigation sa mga reklamo laban sa mga ito.

Share it for others to know as well

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *