Tuesday, April 25, 2017
Home > Metro News > 15 Chinese nationals, arestado sa illegal online gambling

15 Chinese nationals, arestado sa illegal online gambling


Labinlimang Chinese nationals at isang Pinoy ang inaresto ng Philippine National Police (PNP)-Anti-Cybercrime Group sa isang illegal online gambling office sa Pasig City.

Ni-raid ng PNP ang YD International Incorporated na matatagpuan sa Ortigas.

Wala umanong permit ang nasabing pasugalan mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) o sa anumang accredited economic zones.

Napag-alaman din ng mga awtoridad na walang mga working visa ang mga naarestong Chinese.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *