12 pulis ng MPD Station 1-DEU sinibak ng NCRPO


Sinibak na rin sa puwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang buong puwersa ng Drug Enforcement Unit (DEU) na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) Station 1.

Ito ay kasunod ng pagkakadiskubre ng Commission on Human Rights (CHR) sa sikretong piitan sa naturang istasyon.

Labindalawang miyembro ng DEU ang sinibak kabilang na ang kanilang hepe.

Una nang sinibak ni Albayalde ang hepe ng MPD Station 1 na si Police Superintendent Robert Domingo.

Sa ngayon ay pansamatalang dinala ang mga sinibak na pulis sa headquarters ng MPD.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *