1 sugatan sa banggaan sa QC


Sugatan ang isa sa dalawang pasahero ng taxi matapos na bumangga sa isang kotse sa Scout Ybardolaza, Quezon City (QC).

Ayon sa drayber ng taxi, mabilis na sumulpot ang kotse sa kanto ng Scout Ybardolaza at Rallos kaya sila nagkabanggaan.

Dahil sa lakas ng banggaan ay tumagilid sa kalsada ang kotse.

Agad namang nilapatan ng lunas ang nasugatang pasahero.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *