1 patay, 2 kritikal sa aksidente sa Quezon


Patay ang isa katao matapos bumangga ang isang pickup truck sa isang water tanker ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quirino Highway, San Luis, Guinayangan, Quezon.

Dalawa naman ang kritikal na agad isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Ayon sa ulat, nakatulog ang driver ng pickup truck kaya ito sumalpok sa water tanker.

Nabatid na nagbakasyon sa Laguna ang mga sakay ng pickup truck at pauwi na sana sa Tagkawayan, Quezon nang maaksidente.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *